Sino ang maaring magparehistro upang bumoto sa Texas?
Maaaring magparehistro upang bumoto sa eleksyon ang mga mamamayan ng U.S. sa Texas kung sila ay labingwalong (18) taong gulang o pataas o kung sila ay magiging 18 taong gulang sa Araw ng Eleksyon. Hindi papayagan na magparehistro upang bumoto ang mga mamamayan na nahatulang gumawa ng isang krimen at binubuno pa ang kanyang sentensya, kasama na ang parole o probation, o kung siya ay nadeklara ng hukuman na mayroong mental na kapansanan. Naririto ang ilan pang mga detalye tungkol sa pagiging karapat-dapat.
Paano ako magpaparehistro upang makaboto?
Kakailanganin mong sagutan at ipasa ang paper voter registration application o papel na aplikasyon pangrehistro bilang botante bago mag-Oktubre 11.
Maaari kang humiling ng postage-paid application by mail o sa pamamagitan ng koreo o humingi ng nasabing aplikasyon sa opisina ng taga-rehistro ng botate ng county at sa ilang tanggapan ng koreo, tanggapang pampamahalaan, o mataas na paaralan. Maaari mo ring i-print ang online application at i-padala sa pamamagitan ng mail/koreo sa taga-rehistro ng botante sa iyong county.
Ang mga aplikasyon ay dapat naka-postmark sa Oktubre 11 na takdang-petsa.
I-download ang iyong aplikasyon dito.
Bukod dito, maaari ka ring magparehistro upang bumoto sa pamamagitan ng Texas Department of Public Safety habang nagpapanibago ng iyong lisensya pangmaneho, kahit pa gawin ito online. Ito lamang ang klase ng pagpaparehistro nang online sa estado.
Pagkatapos mong magparehistro upang bumoto, makatatanggap ka ng voter registration certificate sa mga susunod na 30 araw. Nakalakip dito ang iyong impormasyon bilang botante o voter information, pati na ang Voter Unique Identifier number na kailangan sa pag-update ng iyong pagpaparehistro bilang botante online. Kung mayroong maling impormasyon sa sertipiko, kakailanganin mong itala ang mga pagtatama at ipadala ito sa iyong lokal na tagarehistro ng botante sa lalong madaling panahon.
Maaari ring magamit ang voter registration certificate kung wala ka ng isa sa mga pitong aprobado ng estado na photo IDs.
Kailangan mo bang magparehistro muli upang makaboto?
Kapag nakapagparehistro ka nang unang beses, mananatili ka nang rehistrado ngunit mayroong iba’t-ibang dahilan kung bakit dapat mong beripikahin ang katayuan ng iyong pagrehistro. Halimbawa ay kung nararapat mong baguhin ang iyong pagparehistro matapos na maiba ang iyong pangalan o tirahan. Maaari mong gawin ang pagbabago online dito.
Kung makatanggap ang county ng nondeliverable notice o notisya ng hindi maipadala pagkatapos magpadala ng voter registration certificate o suspetyahin ang pagbabago ng tirahan, malalagay ang botante sa “suspense list” at sasabihan siya na kumpirmahin ang tirahan. Ang mga botanteng nasa “suspense list” ay maaari pa ring bumoto kung kukumpirmahin ang kanilang tirahan bago ang huling araw upang magparehistro bilang botante para sa isang eleksyon o kung magsasagot ito ng “statement of residence” kapag boboto, ngunit maaari silang pabotohin sa kanilang dating polling location o pabotohin sa isang limitadong balota. Kung walang gagawing hakbangin ang suspendidong botante, aalisin siya sa voter rolls o listahan ng botante pagkatapos ng apat na taon, ayon kay Sam Taylor, isang tagapagsalita para sa opisina ng kalihim ng estado ng Texas.
Nagsasagawa rin ang estado ng pagsusuri ng voter rolls upang alisin ang mga hinihinalang hindi karapat-dapat na mga pagpaparehistro, na sa nakaraang panahon ay mayroong naturalized citizens na hindi tamang hinudyatan. Pinipigilan ng batas pederal ng estado ang pag-aalis ng mga reghistradong botante simula 90 araw mula ang isang eleksyon pederal maliban na lamang kung namatay ang botante, nahatulan sa isang krimen o kaya naman ay idineklarang mayroong kapansanang mental. Ang ibig sabihin, ang mga naturalized citizens ay hindi dapat alisin sa voter rolls nang dahil sa katanungang ukol sa kanilang pagkamamamayan pagkatapos ng Agosto 10. Kung iyong inaalala ang iyong pagpaparehistro bilang botante, maaari mo itong maberipika dito.
“Hinihimok namin ang mga tao na gawin ito bago ang Oktubre 11 na takdang-petsa, nang sa gayon ay mayroon silang sapat na oras na ayusin ang anumang usapin,” ani Taylor.
Subalit kung ang botante ay hinudyatan nang hindi tama, ayon kay Taylor ay maaari pa rin silang makaboto kung magpapakita sila ng katunayan ng pagkamamamayan tulad ng naturalization certificate o pasaporte ng U.S., sa lugar ng botohan.
Ano ang aking gagawin kung lumipat ako ng tirahan pagkatapos ng nakatakdang-petsa na magparehistro bilang botante?
Nararapat na nakatira ka sa Texas county sa takdang-petsa ng pagrehistro bilang botante upang makaboto sa papalapit na eleksyon maliban na lamang kung kwalipikado ka para sa pagboto ng absentee.
Kung lumipat ka ng tirahan sa loob ng parehas na county o political subdivision, maaari kang bumoto sa nauna mong polling location. O maaari ka ring bumoto sa iyong bagong polling location sa balotang limitado sa eleksyon kung saan ka kwalipikadong bumoto sa parehong polling locations, tulad ng mga eleksyon pang-estado. Ngunit mayroon lamang na limitadong mga balota tuwing early voting sa “main early voting polling place,” na karaniwang sa opisina ng administrator ng eleksyon o county clerk na nangangasiwa ng eleksyon sa inyong county. Ang main early voting polling place ay dapat na isaalang-alang sa listahan ng early voting locations o lugar ng maagang pagboto ng county.
Ang mga kwalipikadong taong walang tinitirhan o walang tinutuluyan ay maaaring bumoto, ayon kay Taylor, hanggang makapagbibigay sila ng tirahan at paglalarawan kung saan sila nakatira, sa kanilang pagpaparehistro. Kung kinakailangan, ang kanilang address pang koreo ay pwedeng maiba ngunit ang isang P.O. box address ay hindi maaaring ilista bilang residence address.
Ano ang aking dapat gawin kung magkaroon ng problema sa aking pagrehistro bilang botante?
Kung mayroon kang katanungan o gustong linawin tungkol sa iyong pagpaparehistro, maaari mong hanapin ang contact ng pagpaparehistro bilang botante ng iyong county dito. Sa loob ng polling locations, mayroong makikitang “resolution desks” kung saan maaaring asikasuhin ng poll worker ang inyong katanungan tungkol sa pagpaparehistro. Makakakita ka rin ng mas marami pang impormasyon tungkol sa mga madalas itanong na mga katanungan mula sa opisina ng kalihim ng estado sa votetexas.gov.